Julia POV Hindi nagtagal ay nagpaalam si Lander na aalis para ayusin ang settlement ng bills ko dito sa ospital. Naiwan kami ni Xander na magkatabi habang hawak pa rin nito ang kamay ko. Gusto ko sanang hilahin pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na tila ba kahit anong mangyari ay hindi ako nito pakakawalan. "Kailangan mo pala ng damit na isusuot pauwi," sabi nito matapos suriin ang kabuuan ko. "Lalabas muna ako para bumili ng damit mo sa shop na malapit dito," paalam nito. "A-ayos lang ba sa'yo na lumabas? 'Di ba may sugat ka rin? Baka may pwede kang utusan na bumili para hindi mo na kailangan na lumabas," nag-aalala na sabi ko dahil alam ko na hindi pa rin naman siya tuluyang magaling gaya ko. "I'm fine, nakapag-pahinga na ako at mabuti na rin ang pakiramdam ko," sagot