Epilogue 5: Falling in Love -Andrew- ANO ba ang dapat basehan para sabing umiibig ang isang tao? Ang totoo, hindi ko rin alam ang sagot. Basta ang alam ko kaya ako umuwi dito sa Pilipinas ay para kay Arc. I followed her here and when she invited me to their Christmas dinner, I hesitated at first but I'm sure. I want to celebrate Christmas with her and her family. Ayokong mag send ng mix signal lalo't may pinagdadaanan siya. Hindi lingid sa aking kaalaman na wala na sila ni Clarence at isa lang ang nais ko gawin ngayon - ang pawiin ang lungkot ni Arc. "Hi sir, may napili na po ba kayo?" tanong ng staff ng jewelry shop na kinaroroonan ko ngayon. Iwinagayway ko ang aking kamay at itinuro si Lucho. "He's the one who's buying a gift not me." Iba ang gusto ni Arc at alam ko kung saan yun ma

