Andrew NANG sabihin ko na liligawan ko si Arc, hindi lang siya talaga ang kailangan ko na i-please kung ‘di ang buo niyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang tatay. Gaya ngayon, sinabihan ako ni Arc na samahan ko siya sa bahay nila dahil wala ang buong pamilya niya ngayon. Nasa school ang dalawang kapatid habang ang mga magulang ay nasa Manila at nag-aayos ng may kinalaman sa pension. Abala naman si Arc sa pag-aaral at ako, naka-monitor lang sa stocks na bagong pinag-kaka-abalahan ko. I was in the middle of dealing when I saw Arc being sleepy. Sinabi niya wala pa siyang tulog na maayos dahil sa kaliwa’t-kanang pag-re-review at hindi pa nagagawa na ayusin ang sariling schedule. Dahan-dahan akong lumapit at mabilis na sinalo ang ulo niya dahilan upang magising siya. “Inaantok na ako,” aniy

