Andrew HINDI ko alam kung paano sasabihin kay Arc ang tungkol sa nakitang tumor sa aking utak matapos ko sumailalim sa ilang test noong nakaraan. Naipadala na ang resulta noon sa aking unit at yon din ang pinatago-tago ko kay Arc. Nakita na niya iyon at pinilit akong buksan ngunit sinabi ko lang na hindi importante ang laman noon. Hindi pa ako handa o mas tamang sabihin na ‘di ko alam saan kukuha ng lakas ng loob na ibulgar sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Kaya imbis na sa unit ako mag lagi. dito sa opisina ako ni Lance pumunta. Meningiomas are tumors that develop from the membrane surrounding the brain and spinal cord. About nine in 10 are benign and mine is one of those. Many grow slowly. Others grow more quickly. Base sa location at causes ng tumor ang magiging treatment at sa akin o

