Andrew STAYING for good in cold country like this was an option after three years of going back and forth to Denmark. Nagsabi na ako sa airline na aking pinapasukan na dito sa bansang ‘to bubunuin ang suspension ko kasama ni Addie at ng kambal niyang anak. Hindi ko lang inaasahan ang eksena na naabutan ko pag-uwi galing sa mahabang byahe mula Pilipinas. Iyong taga-pag-alaga ng kambal ay sinusubukan silang lasunin na mabuti na lang ay napigilan ko. She almost fed the twins a food with cinnamon, for Pete’s sake! Ang tagal na niya nag-aalaga sa kambal pero nalimutan pa rin ang importanteng bagay na ‘yon. I was about to call the cops but she tried to steal my phone and we ended up awkwardly lying on the floor. Eksena na naabutan ni Clarence at siya na mismo ang nagpaliwanag sa akin. Muli niy

