Andrew SABI ni Arc makipag-date ako at iyon nga aking ginawa ngayon matapos ko kitain si Hannah na nakilala ko sa isang dating app. Sinubukan ko lang naman gumamit noong isang araw at eto na, dito ako dinala ng pagka-curious ko sa mga ganung klase na paraan ng pakikipagkilala. Hannah was a gym instructor that's why we bond mostly here at the gym. Nagtuturo din siya ng Pilates kapag weekend at marami siyang kliyente kaya kilalang-kilala na rin lahat. Unang usap palang ay nag-click na kami at pareho namin 'di gusto matali sa isang relasyon kaya nag sang-ayon kami sa isang set up - bed buddies and few dates. Nothing is exclusive between us. Allowed siyang makipagkita o magpakilala sa iba. Ganun din ako at naging topic na nga namin ang love life ng isa't-isa pati na ang alaga kong pusa. "So

