Chapter 55 MATAMA kong sinipat ang batang kinakausap ang Mama niya dalawang upuan ang layo mula sa akin. Sobrang daldal ng bata kaya pati ako ay naaliw sa kanya. Ang dami niyang sinasabi sa kanyang Mama tungkol sa kung ano-anong palabas na napanood ko na. Cartoon, I like watching those since we moved here in Carigara. Iyon ang libangan ko at nakakatulong naman sa akin dahil ilan sa mga napapanood ko, nakaka-boost ng self-esteem, self-confidence at nakakahanap pa ako ng motivation kung minsan. Now, I’m traveling back home from Ormoc City. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na gagala ako at pumayag naman sila dahil ngayon ko lang naisipan gawin iyon kahit ilang buwan na kami sa Carigara. Papa enjoyed fishing while Mama starts selling his every catch. Sina Marcelia at Dennis naka-settle sa ka