Chapter 54 TW: this update talks about depression and self-harm. “AYOS LANG naman siya ‘di ba? I mean, I’m not a vet – I am a medical student who deals with human illness – but I can already tell that there something wrong with Molly.” Alam ko na kung ano-ano na ang nasasabi ko at hindi ko sigurado kung nagkaka-intindihan pa ba kami ng vet na kausap ko. I was so frustrated waking up and there’s something wrong with Molly. Hindi siya nakain at matamlay kaya nag-excuse ako sa clinic para i-diretso siya dito. “Tell me she’s alright, please?” “Uhm, Ms. Morada, we’ll do what we can so relax and let us do our job,” sagot sa akin ng vet na kausap ko. Huminga ako ng malalim pero hindi nagsalita. “I know what you’re feeling, and it’s hard seeing your fur child like this, but don’t stress because