Chapter 53 PARANG gusto kong manabunot ng malanding hitad na kanina pa lingkis ng lingkis kay Andrew. Nakakainis na sobrang uncomfortable ni Andrew ngayon dahil sa babaeng ito na kausap niya. Kasalukuyan akong nasa Sanctuary at nag-aaral ng dumating si Andrew at Kayla. Sa una nag-uusap lang sila ngunit ng lumaon ay eto na, nilalandi na siya ng babaeng tanging naalala niya. Well, he remembers me too! I am that annoying girl at the airport who ruined his shoes and who has many roles in life. "Stop staring at them. Baka bumagsak ka niyan sa exam mo," anang tinig na pumukaw sa akin at nagpalingon. "Wren," sambit ko. Kasama niya si Timmy at Lucho ngayon na pare-pareho umupo sa upuan sa aking harapan. "Anong meron? Bakit magkakasama kayong tatlo?" "I-de-date ka naming tatlo." Si Lucho ang s