Chapter 58 “WHAT can you say about adoption?” Maang na napatingin sa akin si Serene na abalang nag-che-check ng clipboards ng mga pasyente niya. “Child adoption, I mean.” Nanlaki ang mga mata niya nang tukuyin ko ang aking sinasabi. Pinakita ko sa kanya ang leaflet na nakuha ko sa main lobby ng ospital kanina pagpasok ko. It came from a foundation that allow anyone as long as no criminal records to adopt or foster a child. Sponsor ng foundation ang SMMC at natuwa ako sa advocacy na nakasulat sa leaflet. No one will be left behind. “Pag-isipan mo maigi, Arc. It’s a long-term commitment, and you just ended things between you and Andrew.” Kumunot ang noo ko, "wait, tingin mo ba nalulungkot ako dahil tinapos ko na lahat sa amin?" Tumingin siya sa akin at sapat ng sagot iyon sa aking tanong