Chapter 69 “KINAKABAHAN ako, hun.” Mahina at halos pabulong ko na sabi kay Andrew. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang kwarto kung saan may isang monitor sa gilid ko at nasa kabila naman nakatayo si Andrew hawak ang aking kamay. Naramdaman ko ang masuyong niyang pagpisil sa aking kamay. Inangat niya iyon saka hinalikan ang likod na naglagay ng ngiti sa aking labi. “Wala pa ba yung nurse?” Nakita ko ang paglinga ni Andrew bago muli akong binalingan. “I think they’ll be here in a minute,” tugon niya saka pinatakan ng magaan na halik ang aking noo. I was lying in bed and waiting for the nurse who will run an ultrasound to check if our baby developed inside my womb. Ngayon din nakatakdang marinig ang heartbeat nitong anak namin na pinakahihintay ko sa lahat. After this session, we can no

