Chapter 68 MAY NGITING gumuhit sa labi ko nang madatnan na gising si Dawn pagpasok ko sa kwartong kinaroroonan ni Dr. Addie. Tapos na ako mag-rounds kaya pumunta ako dito para silipin sila. Nabanggit sa akin ni Dr. De Luna na walang kasama iyong mag-ina ngayon kaya dali-dali akong lumakad papunta dito. Solo ko si Dawn ngayon at kahapon ko pa siya gustong iuwi sa bahay. Kung ‘di lang ako bantay-sarado ni Dr. De Luna talaga itatakas ko ang anak niya. Sobrang cute kasi at naalala ko iyong kambal na na inalagaan ko nang ganito pa ka-bata. Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi habang pinagmamasdan si Dawn. Hindi ako nakuntento sa pagmansid lang at dahan-dahan ko siyang kinalong at lalong lumawak ang ngiti ng ngumiti siya. Tila ba nakilala na niya agad ako pati na ang amoy ko. Dawn kept on co

