Gulat si Alexa habang nakatingin kay Xandre. “Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?” wika pa nito at saka umiling. Hindi niya kayang tingnan ang binata lalo na’t seryoso ang mukha nito. “Mukha ba akong nagbibiro, Alexa?” seryosong tugon nito sa dalaga. “Baka kasi nabigla ka lang sa nararamdaman mong iyan. ” hindi pwedeng mahulog pa lalo ang dalaga sa binata. Alam niya kung ano ang ugali ng binata pagdating sa babae. One night stand. Hinawakan ni Xandre ang mukha ng dalaga at saka hinarap ito sa kanya. “Alexa, seryoso ako. Minsan ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, alam mo ba iyong pakiramdam na masaya ka kapag kasama ang isang tao? Iyong namimis mo siya kapag hindi mo siya nakikita? Iyon ang nararamdaman ko para sa’yo. Oo, dati aaminin kong nabighani mo ako dahil sa katawan mo