Tahimik si Alexa habang nakaupo sa front seat katabi ang binata. Wala siyang kahit anong ideya kung saan sila pupunta ngayong gabi. “Saan tayo pupunta?” kabadong tanong nito. Malamig ang aircon kaya hindi niya maiwasang mapayakap sa sarili upang maibsan ito. “Somewhere, iyong tayong dalawa lang.” ngiting tugon nito sa dalaga. Ibinaling na lang ni Alexa ang tingin nito sa kalsada. Wala naman sigurong dapat na ipag-alala kapag kasama niya ang binata. “Whe’re here!” BIGLANG nagising ang dalaga nang marinig ang masiglang tinig ng binata. Nang maimulat ni Alexa ang mga mata niya ay biglang napakunot ang noo nito nang mapagkaalaman kung nasaan siya ngayon. “Anong ginagawa natin dito?” tanong nito sa binata. Biglang napangiti si Xandre at saka inilapit ang mukha nito sa mukha ng dalaga.