Nakatulalang nakatingin si Alexa sa isang red dress na nakalapag sa kama ng binata. Ang sukat nito ay nasa walumpong pulgada na siyang tama tama lang sa katawan niya. “Kailangan ko ba talagang suotin ito? ” tanong nito sa binata. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa dalaga na abala sa pag-uusisa sa pulang damit. “Dapat... At isa pa, sigurado akong bagay na bagay sa’yo ang damit na iyan. ” ngiting sambit nito. “Sa labas lang muna ako, bilisan mo diyan baka mahuli pa tayo sa party.” wika ng binata at saka ito lumabas sa kuwarto at hinayaang magbihis ang dalaga. Hindi maiwasang manabik ang binata na makita ang dalaga habang suot suot ang dress na ibinigay niya. Alam niyang walang kasing ganda ang dalaga kapag suot suot niya ang dress na binigay niya. Agad napatayo ang binata nang dahan