Agad naimulat ang mga mata ni Alexa nang maramdaman ang paninikip ng kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagkaalamang nasa tabi ito ng binata habang ang yakap nito sa dalaga ay walang kasing higpit. Sa halip na itaboy ang binata ay hinayaan lamang ito ng dalaga na yakapin siya, ramdam na ramdam niya ang tigas ng katawan ng binata na siyang nagtulak sa dalaga na yakapin rin ito. Hindi maiwasang isipin ng dalaga ang katatagang “We're not even friends, or in a relationship” . wala silang relasyon sa isa't isa pero they act like a couple, o pwedeng mas higit pa roon. Hindi maiwasang matitigan ng dalaga ang labi ng binata at ang buong mukha nito. Ang makikinis at mapulang labi ng binata ang siyang nagtulak sa dalaga na titigan ito. Hindi maiwasang isipin ni alexa kung ilang