Alas kwatro ng hapon at kakatapos lang ng klase ni Alexa. Pagod itong pumunta sa grahe upang umuwi. Akmang bubuksan na sana niya ang kotse nang bigla niyang nasulyapan ang gulong nito. Napairap ang dalaga nang malamang sira ang gulong ng kotse. Tumayo ito saka nilibot ang paningin sa buong grahe upang maghanap ng taong pwedeng makatulong rito. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ni isa ang dumating kahit isa man lang sa mga kaibigan niya. Dahil sa inip, walang pagdadalawang isip na iniwan ng dalaga ang kotse nito sa grahe. Buo na ang isip ng dalaga na mag-commute na lang pauwi sa condo nito. “Alexa! ” Tawag pa ni Sassy sa kanya. Agad naman itong napalingon sa likuran. “Asan na ang kotse mo?” tanong pa ng kaibigan. “Sira ang gulong.” mahinang wika ng dalaga. Ang pinaka