Nakataas sa ere ang kamay ni Liam upang gisingin sana ang asawang si Gail nang bigla itong maalimpungatan. Marahil ay naramdaman nito kanina ang pagtakip niya sa bibig nito, matapos marinig ang pinagsasabi nito na tila ba nakikipagsagutan kay Glydel sa panaginip. Bago pa man niya mabawi ang kamay ay kita ang mapangdudang tingin ni Gail sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo, honeypie," nagdududang tanong ni Gail sa asawa, para kasi siyang sasampalin nito kanina kung hindi lang siya naunang nagdilat ng mga mata. "Ha? Ah, uhmmm," mabilis na apuhap ni Liam ng sasabihin sa asawa. "Pupunasan ko lang sana ang laway mo," agad na dugtong. Agad na napahawak si Gail sa labi at baba ngunit wala naman siyang nakapang laway o kakaiba kaya napataas ang kilay niya. Habang ang asawa ay tila hindi mapakali, bat