Galit na galit si Daniel nang mapanuod sa balita ang nangyari sa pamangkin niyang si Liam. "May sa pusa pa rin kayong maglolo, buwisit!" malakas na turan habang nasa sala at nanunuod ng balita. "Papa, bakit—" putol na sugod ni Leila palabas ng silid nang makita ang balitang naka-flash sa TV. "Akala ko ba ay sinigurado mong mamamatay ang pinsan mong iyon?" sumbat sa anak nito. "I did, pero hindi ko alam kung paanong hindi man lang sila nasugatan at nagawa pa ring makaalis ng bansa," mabilis namang tugon nito. "Puny*ta! Habang tumatagal, nagkakaroon sila ng pagkakataong tuklasin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito kaya kailangan nating mapatay na ang pinsan mong si Liam!" gigil na turan ni Daniel. Mas lalo pang nainis ito nang makita ang mukha ni Don Julio sa TV. "Hinding-hindi a