Dumating din ang araw na takdang pagpunta nina Gail at Liam sa doktor, halos hindi makahinga si Liam habang hinihintay nila ang resulta ng pagsusuri ng doktor kay Gail. Habang nasa labas pa lamang siya ng silid kung saan ipinasok ang asawa ay hindi na siya mapakali, puno ng pag-asa at panay ang dasal na sana ay ibigay na sa kanila ni Gail ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Samantalang, agad na tumalima si Gail nang sabihin ng assistant ng doktora na maghubad siya. Hindi man tiyak kung ano ang gagawin sa kanya pero alam niyang susuriin ng mga ito ang kanyang matris. Masyado siyang naguguluhan sa proseso ng pinaggagawa sa kanya pero batid niyang para sa kanya rin naman iyon. Nang makahiga si Gail sa mataas na reclining bed, kabado siya dahil aminado siyang sa edad niyang bente-singko ay h