Napapangiti na lamang si Liam kahit wala na sa kanyang opisina ang kanyang mga kaibigan. Gustuhin man niyang sabihin sa mga ito ang posibleng pagbubuntis ng asawa pero gusto niyang maging surpresa iyon. Hindi tuloy niya maiwasang muling lingunin ang asawa na noon ay tulog na tulog. Minabuti niyang ituon ang buong atensyon sa mga papeles sa kanyang harapan at hayaan na muna ang asawa, alam niyang kailangan nito ng sapat na pahinga kahit wala naman itong ginawa kundi ang matulog nang matulog. Napapailing lamang si Liam sa tuwing napapalakas ang marahang paghilik ng asawa sa kinahihigaan nitong sofa. Sa tuwing itutuon ang pansin sa papeles sa kanyang harapan ay tila nananadya itong mapalakas ang hilik upang ibaling dito ang tingin. "Hon," tawag niya rito sa pag-aakalang baka pinagti-trip-a