Nang dumating ang mga pulis ay agad silang nag-conduct ng imbestigasyon at nagtanong-tanong sa mga possible witness o nakakita ng plate number man lang ng van na ginamit. Ngunit ayon sa ilang saksi ay wala raw plat number ang itim na van namaril sa kanila. Nangalap rin ang mga ito ng ilang kuha ng CCTV sa lugar ngunit sa kasamaang palad ay wala silang makita. Maaari raw na alam ng mga ito ang mga lugar kung saan walang mga CCTV at maaaring kumuha lamang sila ng pagkakataon upang sila ay pagbabarilin. "Maraming pagkakataon na ring may nagtangka sa buhay namin, hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead ang mga pulis. Kaya kung tatanungin niyo ako kung may alam akong may motibo upang patayin ako ay wala," matatas na turan ni Liam nang batid niyang ulit-ulit lamang ng mga ito ang tanon