Mabilis na nag-ayos sina Gail at Liam ng mga gamit na dadalhin nila, hindi naman kasi alam na ganoon pala ang plano ng kanyang lolo para masiguro ang siguridad nila. Sa tulong ng kanyang ina ay mabilis na naayos ni Gail ang dadalhing gamit bago pa dumating ang hinihintay nilang sina Chris at Lindsey. "O, ang bilin ko, Gail, ah, walang churva hanggang hindi pa kinakasal," mahigpit na bilin ng ina. "Churva?" maang na ulit dito. "Oo, kailangan ko pa bang sabihin ng deretsahan, ha, para maintindihan mo," nakapamaywang na sermon ng ina. Mabilis na itinaas ang kamay upang sabihing hindi na dahil baka mamaya ay aalis na silang lahat-lahat ay hindi pa ito natatapos. "Oo, inay, kasama po namin sila Dinky, Drew, Chris at Lindsey, sa tingin niyo po ba ay magagawa naming mag-churvahan?" palatak