Mabilis na inawat ni Gail ang kaibigang si Dinky nang mapansing papatulan nito ang inang si Aling Minda. "O, awat na bakz, baka mas lalong sumakit ang puso ng inay mo," awat ni Gail. "Buti at inawat mo ako, bakz, baka kapag nagkataon, hindi lang puso ni inay ang sasakit," agad namang tugon ni Dinky. "Ano ba kasing pinag-uusapan ninyo at may narinig itong si Minda na pangalan ng babae?" tanong ni Lourdes kay Melincio. "Wala naman, usapan lang tungkol sa kung sino ang posibleng gumagawa nito kay Julio. Nakakabahala ang banta sa kanilang buhay na mag-apo, pati kayong nandito sa pamamahay niya ay damay na rin," mahabang paliwanag naman ni Melincio. "So, ibig mong sabihin na maaaring ang Daniela na iyon ang may utak sa lahat ng ito?" gagad pa ni Lourdes. "Tama ka diyan, pero sapantaha pa