Talagang sinulit ng mag-asawang Gail at Liam ang kanilang huling araw sa Paris, bukod kasi sa pinuntahan nila ang pamusong Eiffel Tower ay nagtungo rin sila sa Louvre Museum at sa Palace of Versailles. Namangha si Gail sa iba't ibang structures at architectures sa mga pinuntahan nila, at siyempre hindi nila nakalimutang mamili ng ipampapasalubong nila. Sa muling pagbabalik Pilipinas ay muling nanumbalik ang kaba sa dibdib ni Gail para sa asawa pero kahit papaano ay natatabunan iyon ng pananabik na makita ang mga kapamilya, maging ang sayang dulot ng asawa sa kanya. Tila wala kasing araw na hindi nito ipinapakita ang pagmamahal sa kanya, para bang ibang-iba ito sa Liam na nakilala. Dalangin lamang siya ang hindi ito magbago sa kanilang pagbabalik Pilipinas o pag-uwi. Kanina pa pinagmam