Sa kabila ng panloloob sa mansiyon ng mga Herbosa, hindi naging dahilan iyon upang mapigil ang kasiyahan lalo pa at ilang araw na lamang ay ikakasal na ang nag-iisang tagapagmana ni Don Julio Herbosa. Naging mas mapagmatiyag at mahigpit pa lalo ang siguridad ng mga ito dahil hindi nila kilala kung sino ang kalaban, mahirap na rin dahil may alam ang sinumang may masamang balakin sa mga Herbosa. "Gail, hija, natatakot ako para sa siguridad ng aking apo. Alam kong ayaw na ayaw ni Liam na ipinagmamaneho mo siya pero mas mainam sigurong igiit mong samahan mo man lang siya, kahit siya ang magmaneho," turan ni Don Julio nang makakita ito nang pagkakataong makausap siya ng wala si Liam sa paligid. "Hindi pa natin alam kung sino talaga ang ating kalaban, para itong virus na nangangapa tayo kung s