Hindi matatawaran ang saya ni Gail ngunit nabago ang lahat nang paalis na nga sila ay may asungot pang dumating. Si Glydel kasama ng mga kaibigan nito, hindi alam kung sino ang nagpapasok nito sa kanilang bahay pero makita pa lamang ang pagmumukha nito ay naaalibadbaran na siya. "Anak, may bisita kayo," kasuwal na turan ng ina. 'Buwisita, 'nay, hindi bisita,' ngitngit ni Gail sa isipan pero ayaw niyang ipakita sa babae at sa mga alagad nitong inis siya sa presensiya nito. "Hi, Will, we just drop by, actually dito rin sa loob nakatira si Leila, ang best friend ko," pakilala pa nito. Ngumiti ang tinutukoy nitong best friend ay isang matipid na ngiti lang ang ibinigay saka ito nagpaalam at lumabas. "Okay, thank you for dropping by," kasuwal na turan ni Gail sa mga ito. "Maaari na kayong