Dalawang taon na ang lumipas mula nang magdesisyon akong bumalik kay Alejandro. Sa loob ng dalawang taon na iyon, naramdaman ko naman na talagang nagbago siya. Lagi siyang may oras para sa amin ng anak naming si Ayami. Nagsimula na rin akong magtrabaho sa aming kumpanya upang matuto sa pagpapalakad nito. Naging maayos na rin ang pakikitungo ng mga kapatid ko kay Ali dahil nakita nila ang pagbabago niya. “Good bye, Baby Ayami.” Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umalis ng bahay. Hindi ko na siya ginising dahil tulog na tulog na siya. Tumingin ako kay Alejandro na mahimbing na natutulog. “Good night!” bulong ko. Hindi ko na siya ginising dahil madaling araw na siya nakauwi. Nang dumating sa amin si Ayami, wala na kaming ibang ginawa kung hindi ang mag-focus sa trabaho. Gusto namin mabi