ALEJANDRO’S POV. “Sir, umalis na po si Ma’am Nikka,” wika ng katulong. Tumayo ako upang kunin ang anak kong si Ayami at dinala ko siya sa kanyang yaya. “Bebang, ikaw na muna ang bahala sa anak ko.” “Yes, Sir.” Umalis ako at sumakay sa kotse ko upang pumunta sa kumpanya. Habang nasa biyahe, tinawagan ko si Nikka. “Hello, Ali!” “Nikka, I'm on my way to the company now. I've already given Ayami to her nanny.” “Okay, take care.” “What time will you be home so I can pick you up?” “Don't bother picking me up, I might be late because I have a meeting with a client later.” “Okay.” Pinutol ko ang tawag ko. Pagdating ko sa kumpanya, agad akong pumunta sa boardroom para dumalo sa meeting. Gusto kong tapusin agad ito para makauwi ako nang maaga. Gusto kong magkaroon ng mas maraming oras k