BEATRIX’S POV. “Ito na ang mga larawang pina-edit n’yo,” wika ng lalaking binayaran ko para mag-edit ng mga larawan ni Nikka. Isa siya sa mga tauhan ko para bantayan si Nikka. Gusto kong makakuha ng impormasyon. Dalawang taon na ang lumipas nang tiniis ko ang hirap dahil wala si Alejandro. Ang sasakyan at condo ko ay naibenta dahil wala nang nagbibigay sa akin ng pera. Napilitan akong lumayo sa kanila dahil na rin sa pangako sa akin noon ni Alejandro na babalikan niya ako. Kinuha ko ang mga brown envelope at tiningnan ko ang mga larawan. Nagawa niyang i-edit ang larawan na ipinadala sa akin ng tauhan ko na nakabantay kay Nikka sa Pampanga. “Magaling, parang totoo ang mga larawan.” “Baka naman may tip ako.” Sumimangot ako at kumuha ng pera sa bag ko. “Ipadala mo sa email ko ang mga l