*tok! tok!* Mahinang katok mula sa pinto. Mabilis kong pinahid ang aking luha at inayos ang aking sarili bago pa man iyon bumukas. Agad nagtama ang paningin namin ni Xenoah. Ramdam ko ang paninimbang at pag-iingat sa mga tinging ibinibigay niya. "Go away Xenoah. Matutulog na ako." walang emosyon kong sabi. Tumayo ako upang umikot sa kabilang bahagi ng kama ngunit nakakaapat na hakbang palang ako ay napigilan na niya ako mula sa aking braso. "Baby" paos na tawag niya. I shut my eyes and took a deep breath before I turned around. "I'm tired Xenoah. Let me rest." I said blankly and tried to loosen his grip. "No. We'll talk Azaia." he uttered and pulled me instead of letting go. "Xenoah, ano ba?! San mo ba ako dadalhin?" mahinang ani ko upang hindi magising si Rafael nang maingat niya