Napakabilis ng panahon. Hindi ko akalain na limang buwan narin ang nakakalipas buhat ng maging magkarelasyon kami ni Xenoah. Totoo ang sinabi niya na unti-unti ring mamamatay ang isyu tungkol sa amin. Siguro nga ay ganun talaga, magiging mainit lang ang usapin sa umpisa at mananawa pagkalipas ng ilang linggo. "May gusto ka pa ba anak?" he asked Rafael. Nandito kami ngayon sa Star City at nakaupo sa isang benches dahil katatapos lang namin sakyan ang mga pambatang rides . Tinupad niya ang pangako kay Rafael ng tuluyan ng namahinga ang balita tungkol sa amin. "Cotton candy po Daddy" Rafael answered with his cutest pout. Natawa naman si Xenoah sa kanya at saka pinisil ang tungki ng ilong nito. Isang linggo narin ang nakakalipas nang mapansin kong anak na ang tawag niya kay Rafael madala