Maiingay na sirena at busina ng sasakyan ang aking narinig nang sandaling bumalik ang aking ulirat. Marahan kong idinilat ang aking mata sa kabila ng pamamanhid ng aking katawan. Ang malabo kong paningin ay unti-unting nagkakalinaw bagamat nanatiling liyo ang aking mata. Puros magkakaibang ilaw ang tumatama sa aking paningin. May asul, pula, at puti. Ramdam ko ang pagtulo ng malapot na likido mula sa aking noo pababa sa aking mukha. "Xenoah" mahina kong bulong nang maalala siya. Sinubukan ko muling pumikit at saka marahang nagmulat upang mabawasan ang pagkaliyong nararamdaman. My vission became clearer than earlier. Unti-unti ay nakita ko ang walang malay na mukha ni Xenoah habang nakayakap sa akin ang kanyang katawan. Naliligo sa sariling dugo ang buo niyang mukha na siyang nagdulo