"Goodmorning maam" masayang bati sa akin ni manong sekyu ng hospital. Nakakagulat man ang kasiyahan niya ay nginitian ko nalang din siya pabalik at bahagyang tumango bilang paggalang. "Goodmorning/Goodmorning Azaia" puros nakangiting bati ng mga kapwa kong nurse na aking nakakasalubong. "Goodmorning" usal ko pabalik sa kanila at naroon ng lihim na pagngiwi. Sana all maganda ang araw diba. Day off ko ngayon kaya naman balak ko ulit tingnan si Xenoah. Nakasakay na ako ng elevator pataas sa tamang palapag kung nasaan si Xenoah nang sumakay rin si Mrs.Duque, ang head nurse namin. Matamis niya akong nginitian. "Goodmorning Azaia" she mumbled. Isa na naman pong tao ang may masayang panimula ng araw. "Goodmorning din po" magalang kong sagot. Naroon parin ang kanyang ngiti habang mariin a