Chapter 34 PANSIN ni Alex ang pagiging tahimik ni Santi. Ilang gabi na niyang nakikita na ganoon ang asawa niya, pero kapag lumalapit naman siya ay nagiging masayahin. Mukhang may iniisip ito na hindi niya malaman kung ano at naaalangan siyang magtanong. Tulad ngayon na akala niya ay natutulog na sa tabi niya pero nasa balkonahe, umiinom na nga ng alak, naninigarilyo pa. Alam na alam naman nito na ayaw niya ng naninigarilyo, kaya siguro pumupuslit pa kapag tulog na siya. Hindi siya nakatiis kaya lumapit siya ay yumakap sa leeg ng asawa. “Hey, still awake?” nagulat pang tanong nito saka initsa ang sigarilyo. “Ikaw? Bakit gising ka pa? Ilang gabi ka ng ganyan. Is there something wrong?” hinalikan niya ito sa ulo at kung bakit naman parang nakunsumi siya sa amoy ng shampoo nito. Hindi n