Chapter 33 SPY Pamasid-masid si Alex kay Santi habang nagwiwisik ng pabango ang asawa. Pasimple siyang sumusulyap dito at naglakad papalapit saka pabalik-balik sa likuran nito habang nakadikit ang hintuturo sa baba at waring inaaral ng husto ang asawa, dahil ngayon ang sinasabing lakad nito at kikitain ang babae na iyon na kameeting nito kahapon. Naiintriga siya sa mga walang kamatayang pag-araro ng babae na iyon ng tingin sa asawa niya. May gusto iyon kay Santi, alam niya at naiinsecure siya ngayon dahil baka mamaya ay iniisip na ni Santi na isa siyang babaeng walang matris, dahil hindi siya magbuntis kahit na anong patambling nito sa kanya sa kama. "Pwede ka naman hindi magpabango. Bakit nagpapabango ka pa?" aniya rito na ikinatigil nito at tiningnan siya sa salamin. Agad itong napah