CHAPTER 25: Missing You

1848 Words

Samantha Mahigpit kong itinali sa isang bakal dito sa balcony ang mga kumot na pinagdugtong-dugtong ko bago ko ito inilaylay sa ibaba. Sumilip ako doon at sa tantyado ko ay hindi pa rin ito umabot hanggang sa lupa pero siguro ay kakayanin ko na rin 'yong talunin. Gabi na at tahimik na ang buong kabahayan. Mangilan-ngilang ilaw na lang ang mga nakabukas sa mga pader at madilim na rin sa balcony ng second floor kaya't sinamantala ko na ang pagkakataon na makatakas. Ngunit hindi ko alam kung saang lugar sa Pilipinas naroroon ang bahay na ito. Wala naman akong ibang makita sa labas kundi mga nagtataasang punongkahoy lang. Ni wala akong makitang kapitbahay! Muli akong tumanaw sa loob ng silid ko ngunit wala na akong makita na kahit ano doon dahil pinatay ko na rin doon ang ilaw. I started

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD