Samantha Kinabukasan ay nagtungo kami ni Dylan sa isang restaurant kung saan ang lugar na napag-usapan naming pagkikita ni Dexter at ng kaibigan niyang wedding organizer. We were just at the door of the restaurant when we saw them in a corner and talking happily. Bahagyang napataas ang kilay ko nang makita ko ang napakagandang ngiti ni Dexter habang nakatitig sa kasama niyang babae na ngayon ko lang nakita sa kanya. Usually, palagi lang siyang seryoso sa tuwing nakakasama namin siya at bihira lang siyang ngumiti. Bigla naman silang napalingon sa amin at kumaway si Dexter. "C'mon," ani Dylan habang magkasalikop ang aming mga kamay sa paglalakad. "Hellow!" Kaagad na tumayo ang magandang babae at bumati sa amin. "I'm Diana Marie Cardenas." "Hi!" Magiliw ko rin namang tinanggap ang kama