Samantha "So, kailan ang petsa ng plano niyong kasal? We can set up an engagement party to announce it to everyone," said Uncle David as we were in front of the dinner table. "Ahm--" "Tama na nga 'yan! Gusto mo bang atakehin sa puso si ate Sam d'yan sa mga taba na 'yan?!" Napahinto si Dylan dahil sa malakas na sigaw ni Denver. Kinuha nito ang dalawang piraso ng lechon na nasa plato ko at inilagay sa plato niya. "Balat lang naman 'yan!" inis na sigaw naman sa kanya ni Damien na siyang naglagay ng mga iyon sa plato ko. "Dapat sa iyo, ate gulay lang. Di ba, kagagaling mo lang sa sakit?" ani Desmond naman habang nilalagyan ng mga gulay ang plato ko. "Don't you know that pork is rich in thiamine? That's vitamin B that ate Sam needs dahil nakakatulong 'yon sa pag-function ng katawan. 'Yan