Samantha "Sigurado ba kayo?" paniniguro ni Dylan sa mga taong kinuha nila upang magmanman kay mommy at Joaquin. "Yes, Sir. Heto po ang actual na larawan nila. Nakalabas na po sila ng bansa." Ipinakita nila sa amin ang ilang larawang kuha nila sa airport kila mommy at Joaquin at sa pagsakay ng mga ito ng eroplano nang magkasama. Nagkatinginan kami ni Dylan at parehong napahinga ng malalim. Isang buwan na kaming nananatili dito sa mansion nila Alliyah and Dominic. Tiniis namin ang makulong dito sa loob ng ilang buwan hangga't alam naming naririto pa sa Pilipinas si mommy at Joaquin. The truth is I really wanna go out. I want to talk to mom dahil naaawa na rin ako sa kanya. Sino bang anak ang gustong pahirapan ang kanyang ina? Ni hindi ko man lang siya kinausap kahit saan sa phone lang.