Pagbaba nya nakita nya si Gavin sa may sala nakaupo ito habang nakatingin sa cellphone. Nakatalikod ito pero kitang-kita nya ang kagwapuhan nito. Nakasuot ito ng gray na jacket malapad ang likod nito at alam nyang masarap itong yakapin. Nagtuloy sya sa pagbaba na hindi inaalis kay Gavin ang tingin, marahil hindi pa nito alam ang pagdating nya kaya nanatili itong nakatingin sa cellphone. "Hi" bati nya para makita na sya nito at maipakita na kung gaano kaganda ang damit na binili nito sa kanya, kung gaano ito ka reaveling. Kaagad itong lumingon ng marinig sya at napasinghap sya ng makita kung gaano ito kagwapo, fresh ang mukha nito at ang mga mata nito kung makatingin sa kanya ay para syang matutunaw. "Are you ready?' tanong nito at tumayo mula sa kinauupuan at sinuri sya ng tingin. Inay