Kinse minutos na yata siyang nakababad sa maligamgam na bubble bath na ginawa niya, pero tila pa rin siya tulala. Kanina pa malalim ang iniisip niya. Wala pang bente kwatro oras silang magkasama ni Gavin pero ibang iba na ang pakiramdam niya rito, bagay na hindi niya maintindihan. Dagdag pa sa isipan niya kung bakit kailangan magtapon nito ng sampung milyon. Eh kahit nga beauty queen kaya nitong makuha. Sa gwapo at lakas ng dating ni Gavin, nakakasigurado siyang maraming babae ang naghahabol rito, isama pa na mayaman ito. “Are you done?” tinig sa may likuran ng pinto. Napabalikwas siya nang marinig ang boses ni Gavin. Napamulagat siya ng mga mata sa husky voice ni Gavin. “Not yet… but almost,” sagot niya na sadyang pinalakas ang boses para matago ang garalgal dahil sa excitemen

