"About me and Gavin," simula niya. Alam niyang maaaring magalit si Gavin kapag nalaman nitong sinabi niya kay Aya ang kasunduan nila, at kung paano sila nagkakilala. "What about you and him?" nagtatakang tanong ni Aya. Humugot muna siya ng malalim na paghinga. "We are not in a relationship. Wala kaming relasyon ni Gavin," mabilis na sagot niya. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Aya, at masuri siyang tinitigan. Tinitimbang siguro kung nagsasabi siya ng totoo. "What do you mean? What are you doing sa isla kung wala kayong relasyon? And why are you here?" sunod-sunod na tanong ni Aya. May tiwala siya kay Aya. Alam niyang hindi siya huhusgahan nito kahit malaman ang tunay na dahilan kung bakit siya kasama ni Gavin. "It's a contract." "What contract?" "Mahirap i-explain, but to make it

