"Sir, Sir Gavin? andyan po ba kayo?" Tinig mula sa labas na nagpahinto sa ginagawa nila ni Gavin. Nilayo ng kaunti ni Gavin ang katawan sa kanya. Nakaramdam nanaman sya ng pagkadismaya. Alam nyang hindi nanaman matutuloy ang ginagawa nila. Nagbuntong hininga sya at nilayo ang hubad ng katawan kay Gavin. "Answer her" bulong nya. At inayos na ang sarili. Tinakpan ang hubad na katawan gamit ang mga braso. "Why?" may irita sa tono ni Gavin. "Sir, may bisita po kayo. Si Ma'am Sabrina po" Nanlaki ang mga mata nya ng marinig ang pangalang Sabrina. Nilingon nya si Gavin, nanantili itong nakamata sa pintuan. "Tama ba ang narinig ko? andito si Sabrina?" taas kilay na tanong nya. "I guess" tanging sagot ni Gavin. At tumayo mula sa kama. "I'll be there in a minute" sabi nito sa kasambahay na n