“What's that?” tanong ni Gavin nang linggong puntahan siya ng asawa sa kusina. Nagluluto kasi siya ng masarap na beef steak. Balak niyang ihatid sa bahay ng mga magulang ni Gavin. Ilang araw na rin kasi mula nang pumasyal sila sa bahay ng mga Saavedra, at ramdam pa rin niya ang malamig na pakikitungo ng ama ni Gavin sa kanya. At nais niyang mapalapit rito, kaya naman pinagluto niya ito. Nasabi kasi ng Mama ni Gavin na mahilig sa beef steak ang ama ni Gavin. Kaya naman sinubukan niyang gawin ang recipe ng Mommy niya. “Beef steak para sa Papa mo,” nakangiting sagot niya sa asawa habang sinasalin ang nalutong pagkain. “Kay Papa?” tanong nito at lumapit sa kanya. Agad niyang naramdaman ang kamay ng asawa na pumulupot sa bewang niya, at pinatong ang baba nito sa balikat niya. Tila itong

