Ellise's POV “Pwede ba tayong dumalaw kina Mommy’t Daddy, Gavin?” tanong niya sa asawa habang nakahiga sa kama at nakaunan ang ulo niya sa braso ng asawa. Kakatapos lang ng love making nila, at hindi niya mabilang sa mga daliri kung ilang beses siyang sinabihan ng I love you ni Gavin. At alam niyang mapapadalas pa ang pagsasabi ng asawa sa kanya ng I love you. “You want to visit them?” “Yes. Matagal tagal na rin mula nang huli ko silang makita at namimiss ko na rin ang mga kapatid ko,” sagot niya. At nais din niyang ibalita sa Mommy niya kung gaano kasaya ang marriage life niya. “Okay, let’s us visit them now,” sagot ni Gavin. “Really?” masiglang tanong niya at tiningala ang gwapong asawa. “Yes,” sagot nito at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. Napapikit siya at gumanti ng

