Gavin’s POV “What did you just say?” tanong niya kay Ellise nang maunawaan ang sinasabi nito. Tila nawala ang kalasingan niya sa sinabi ni Ellise. Tama ba ang narinig niya? Tama ba ang intindi niya sa sinabi ni Ellise—mahal na siya nito? Mga tanong na gumugulo sa isipan niya habang nakatitig sa mga mata ng asawa na mababakasan ng lungkot at pangamba. “I said I love you, Gavin,” sagot nito sa kanya. Ano bang isasagot niya? Kagabi, iniwan niya si Ellise. Nagpunta siya sa bar ng kapatid at nagpakalango sa alak. Nais kasi niyang magkaroon ng lakas ng loob para aminin kay Ellise ang lahat. Ngayon, eto siya’t kaharap ang napakagandang asawa, ay tila natatameme siya. Bakit tila nawala ang kalasingan niya at lakas ng loob niya para aminin kay Ellise ang totoong damdamin niya? Paano niya

