Ellise's POV "How do I look?" may tense na tanong nya kay Gavin. Nang pumasok sa silid ang asawa. Hindi kasi nya alam kung ano ang isusuot at paano mag-aayos ng sarili. Ito kasi ang unang beses na ihaharap sya ni Gavin sa mga magulang nito bilang asawa nito. Oo kahit peke lang ang pagsasama nila, kailangan nilang magpanggap na tunay ang pagsasama nila at tunay ang kasal nila sa harap ng kanilang mga magulang, lalo na sa mga magulang ni Gavin. Paggising nya kanina sinabi ni Gavin mag di-dinner sila sa bahay ng mga magulang nito. Tatanggi sana sya pero hindi na lang nya ginawa. Tama lang naman yata na makilala na sya ng mga magulang ni Gavin, kahit na pekeng asawa lang sya. "Beautiful" sagot nito, habang sinusuri ang suot nya. Isang lace dress na kulay dark blue na spaghetti strap ang pi