Makalipas ang tatlong araw ikinasal sila ni Gavin. Isang judge ang nagkasal sa kanila. Naka attend ang Mommy't Daddy nya, pati na sina Joshua at Aya. Pero ni isa sa mga pamilya ni Gavin ay walang nakarating. Nagtaka din ang Mommy't Daddy nya kung bakit wala ang mga magulang o mga kapatid ni Gavin. Sinabi na lang nyang busy pa ito at sa engrandeng kasal na lang mag aattend ang mga ito. Nagtaka ang mga magulang nya ng sabihin sa mga ito na magpapakasal na sila ni Gavin. Bakit daw biglaan? at bakit daw huest? kaya naman gumawa nalang sya ng kasinungaligan na hindi alam ni Gavin. Sinabi nya sa mga magulang na buntis sya, kaya magpapakasal na sila ni Gavin. Kilala ng mga magulang ang mga Saavedra bilang pinaka mayaman sa bayan ng San Sebastian. Kaya naman wala syang pagtutol na narinig sa mga