"Sabrina honey" tawag sa di kalayuan, ni Mike at naglakad ito palapit sa kinauupuan nila ni Sabrina. Nakita nanaman nya ang ngising manyak ni Mike at kinikilabutan sya. Sinulyapan nya si Gavin sa kabilang mesa at nakatingin ito kay Mike na papalapit sa mesa nila. "Inoorient mo na yata si Mrs. Saavedra?" nakangising tanong Mike ng makalapit sa kanila at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. Hindi nakaligtas sa kanya ang malisyosong pagsuri ni Mike sa kanya, lalo na ng magtagal ang mga mata nito sa may hita nya. She want to cover herself. Iba ang takot na nararamdaman nya kay Mike. "Sinasabi ko lang kay Mrs. Saavedra kung gaano sya ka swerte sa asawa nya" taas kilay na sagot ni Sabrina. "Well, Gavin Saavedra is really a good man. He is a beast pagdating sa negosyo, pero mahina pagdating